Nahaharap sa panibagong kaso ng katiwalian sa Office of the Ombudsman si dating Vice President Jejomar Binay na may kaugnayan sa maanomalyang ari-arian ng Boy Scouts of the Philippines sa Makati City.
Ayon sa Ombudsman, inirekomenda ng field investigation office ang pagsasampa kay Binay ng kasong paglabag sa sections 3(E) at 3(G) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nag-ugat ang reklamo sa pagbenta sa ari-arian ng BSP na matatagpuan sa Malugay Street sa nasabing lungsod sa halagang animnaraang (600) milyong piso noong June 2011.
Ayon sa Ombudsman, masyadong mababa ang halaga ng presyo nito dahil nakasaad sa ombnibus loan and security agreement ng BSP at Alphaland Makati Place Incorporated o AMPI na nasa 1.75 billion pesos ang tunay na halaga ng naturang property.
Nahaharap naman sa kaparehong kaso ng katiwalian at aministratibo sina AMPI President Mario Oreta at tatlong dating opisyales ng Bureau of Internal Revenue na sina Teodoro Galicia, Mark Anthony Panganiban at Romeo Tomas.
—-