Nagpiyansa si dating Vice President Jejomar Binay sa halagang P. 376,000 sa Sandiganbayan kapalit ng pansamantalang kalayaan.
Nahaharap sa patong-patong na kasong graft, malversation, at falsification ang dating Pangalawang Pangulo kaugnay ng umano’y maanomalyang konstruksyon ng Makati Parking Building.
Naglagak ng piyansa si Binay makaraang i-refer ang kanyang mga kaso sa 3rd Division ng Sandiganbayan na pinamumunuan ni Justice Amparo Cabotaje-Tang.
By: Avee Devierte