Pinayagan na ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Vice President Jejomar Binay na makabiyahe sa Taiwan at Hong Kong sa loob ng siyam na araw.
Ito’y sa kabila ng kanyang kinakaharap na criminal case kaugnay sa maanomalya umanong konstruksyon ng 2.2 billion-peso Makati City Hall Parking Building 2.
Magsisimula ang biyahe ni Binay sa Taipei, Taiwan sa Oktubre 9 hanggang 13 habang sa Oktubre 14 hanggang 17 sa Hong Kong.
Ipinaliwanag ng Anti-Graft Court na-arraign na si Binay at naresolba na rin ng korte ang hirit ng akusado na makalabas ng bansa.
Nahaharap ang dating Pangalawang Pangulo sa nine counts of falsification of public documents, four counts of graft at one count of malversation of public funds kaugnay sa overprice umanong gusali.
—-