Kinuwestyon ng PNP ang datos ng international group na human rights watch mula University of the Philippines – third world studies center hinggil sa drug war.
Kaugnay ito sa alegasyong nagkaroon ng underreporting ang PNP sa bilang ng mga namatay sa giyera kontra droga.
Nanindigan si PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo na walang naganap na underreporting ng mga inilabas na datos sa drug war.
Batay sa datos ng UP, aabot sa 127 katao ang nasawi sa war on drugs na mas mataas sa opisyal na bilang ng PNP na 46 lamang.
Iginiit din ni Fajardo na napaka-transparent ng pambansang pulisya sa mga inilalabas nitong impormasyon. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla