Pumalo na sa 23,384 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa matapos itong madagdagan ng 67 mga bagong kaso.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 8,332 ang aktibong mga kaso.
Nasa 13,663 naman ang mga Pilipinong nakarekober na sa sakit habang umabot na sa 1,389 ang mga nasawi.
Nananatiling may pinakamataas na confirmed COVID-19 cases sa mga Pilipino ang Middle East at Africa na may 13,120 infections.
Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 5,577 cases, Europe na may 3,651 cases, at sa America na nakapagtala ng 1,036 cases.—sa panulat ni Hya Ludivico