Umakyat na sa halos apat na milyong Pilipino ang walang trabaho nitong buwan ng Agosto.
Ito’y kasunod ng pagsasailalim ng bansa sa mas mahigpit na quarantine status sa Metro Manila at iba pang rehiyon.
Base sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang unemployment rate ay umabot na sa 8.1 percent na mas mataas sa 6.9 percent nuong Hulyo.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), isa sa pinakamalalang sitwasyon ng labor market ay noong 2020 dahil umabot sa 17.6 percent ang unemployment rate.
Samantala, hindi naman tumugma ang numero ng nawalan ng trabaho nuong nakaraang taon sa kasalukuyang unemployment rate.