Nasa ligtas na pangangalaga ng pamahalaan ang lahat ng datos na makakalap nito para sa paglulunsad ng national ID system sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasunod ng pagkuwesyon ni Sen. Imee Marcos laban sa kumpaniyang nanalo sa bidding para gumawa ng ID.
Sa panayam ng DWIZ kay psa Deputy National Statistician Asec. Rosalinda Bautista, naisumite na nila sa opisina ng senadora ang kanilang paliwanag hinggil dito.
Batay sa natanggap na impormasyon ni Marcos, binago umano ang rules sa kalagitnaan ng bidding process kaya’t nanalo ang Indian company na Madras Security Partners at Mega Data Corporation na kilalang may bahid na ng kontrobersiya.
Nag-due diligence din po ang PSA bat ‘yung mga binabato na criticisms against sa joint venture po ng Mega Data. Hindi pa napatunayan nakipagusap din po kami sa Ambassador ng India na nandito sa Pilipinas wala din po siyang negative na nasabi tungkol po doon. ani Bautista
Binigyang diin pa ni Bautista, dumaan sa masusing pagsasala ang lahat ng mga nakilahok na bidder para sa national ID bago maideklara ang nanalo rito.
Critical po kasi ‘yung security na linalagay na data na makukuha sa national ID. Kaya po talagang grabe po ‘yung pag-iingat, grabe ‘yung processes na pinagdadaan ng national ID system. ani Bautista — panayam sa Balitang 882