Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang datos sa presyo ng krudo sa Marso ay kailangan para ma-trigger ang paglalabas ng limang daang milyong pisong budget para sa farm sector’s fuel subsidy sa gitna ng sunod-sunod na taas presyo sa produktong petrolyo.
Aniya, tatlong sunod na buwan ang kailangan para sa average price ng petrolyo na 80 dollars per barrel.
Nauna nang sinabi ng DA na hindi pa natutugunan ang threshold para sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa kabila ng kamakailang pagtaas ng presyo ng langis. —sa panulat ni Airiam Sancho