Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Davao International Airport Authority Board na magpulong.
Pahayag ni OPS-OIC Undersecretary Cheloy Garafil, sa pamamagitan ng isang direktiba ay ipinag-utos ni PBBM sa Regional Development Council (RDC) ng Davao region na madaliin ang pag-convene sa board ng airport authority.
Ayon kay Garafil, mahalaga ang ginagampanang papel ng board para sa pagpapatupad ng iba’t-ibang mga proyekto sa rehiyon.
Maliban dito, nais din ni PBBM na magkaroon ng mga programa na tutugon sa samu’t saring isyu sa Davao, kabilang na rito ang pagkakaroon ng Metro Davao Development Authority (MDDA) sa gitna ng mabilis na urbanization na magdudulot ng ilang hamon gaya ng traffic congestion, solid waste management, gayundin sa peace & security. – sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)