Muling manunungkulan sa dalawang termino sa CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines si Davao Archbishop Romulo Valles.
Ito’y matapos muling mahalal si Valles sa 119 na plenary ssembly ng CBCP na ginawa sa Pope Pius Xii Catholic Center sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, si Valles din ang mangunguna sa makasaysayang pagdiriwang ng quincentennial o ang 500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.
Magugunitang noong 2017 nang unang mahalal si Valles bilang pangulo ng maimpluwensyang kapulungan ng mga obispo sa Pilipinas na binubuo ng 134.