Isang itim na rosaryo ang ibinigay ni Davao Bishop Romulo Valles kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Duterte, ay senyales na titigil na siya sa pagmumura.
Aminado si Duterte na pinayuhan siya ni Valles na magdasal gamit ang rosaryo kada-araw upang humingi ng kapatawaran sa kanyang mga pagmumura at mga kasalanan.
Magugunitang nakipagpulong si Mayor Digong sa mga Obispo noong biyernes kung saan pumayag ang alkalde na mag-do-donate ng P 1,000 sa Caritas tuwing magmumura.
By: Drew Nacino