Muling isinailalim ng pamahalaan ang Davao City sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) mula ngayong araw, ika-20 ng Nobyembre hanggang ika-30 ng Nobyembre, kasunod ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque na kasunod ng naturang hakbang na muling higpitan ang quarantine status sa lungsod, itatayo ang One Hospital Command Center para matiyak ang maayos na referral system nito.
Inatasan naman ang mga pribadong ospital sa lungsod na taasan ng 20% hanggang 30% ang kani-kanilang bed capacity rate.
Samantala, magsisilbing quarantine facilities para sa mga health workers at isolation centers naman para sa mga COVID-19 patients ang mga accommodation establishments gaya ng mga hotels at motels.