Hinimok ng Davao City council si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa siyudad.
Ito’y matapos aprubahan ng sangguniang panglungsod ang isang resolusyon na nagaalis sa batas militar sa Davao.
Paliwanag ni Committee of Peace and Public Safety Chair Councilor Mabel Acosta naghain ng resolusyon, maaaring makaapekto sa pamumuhunan at pagnenegosyo ang martial law sa siyudad.
Magugunitang idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa buong Mindanao noong 2017 matapos ang bakbakan ng militar at ng ISIS-inspired Maute terror group.
Pinalawig ang batas militar sa Mindanao matapos itong irekomenda dahil sa umano’y banta pa rin sa seguridad.