Hindi dapat ituring na episentro ng COVID-19 sa bansa ang Davao City ayon sa Department of Health (DOH).
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat na ginamitan ng terminong “epicenter” ng COVID-19 ang Davao City dahil hindi pa aniya ito maikukunsiderang episenro ng nakahahawang sakit.
Paliwanag ni Vergeire, ang ibig sabihin ng “epidemic epicenters” ay tumutukoy sa lugar na maituturing na hotspot ng impeksyon.
Ang paggamit aniya kasi ng epicenter sa isang lugar ay tila naghihiwalay sa ibang area na mayroon din namang kaparehas na bilang o mas matindi pang COVID-19 transmission.
Una rito sinabi ng malakaniyang na unfair kung ikukumpara ang COVID-19 situation ng hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Quezon City.