Bumili ang Davao City government ng mga medical supply mula China para sa mga frontline workers nito kasunod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) threat.
Ayon kay Mayor Sara Duterte, malaking tulong ang mga medical supplies na ito para sa mga health care workers ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) –isa mga pagamutan sa bansa ng may kakayahang magsagawa ng virus test.
Sinabi ng alkalde na noong nakalipas na linggo lamang nila binili ang mga kagamitang pangmedikal makaraang dumaing ng kakulangan ng mga suplay ang mga doktor ng SPMC.
Kabilang sa mga medical supplies na ito ang surgical masks na N95, N90 at pang-dust cover, goggles, disposable surgical gloves na ordinary at para sa intensive care unit, at maging ang personal protective equipment (PPE) na para sa Intensive care unit (ICU) at mayroon ding para sa ordinary use.
Ibibigay umano ang PPEs sa mga SPMC health workers.