Isinailalim sa total lockdown simula nitong Lunes ang Davao City Hall of Justice.
Iyan ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa empleyado nito.
Ayon sa sulat ni Judge Emmanuel Carpio ng Davao City Regional Trial Court na pinadala kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, nirekomenda ng City Health Office ang lockdown para mapigilan na ang pagkalat ng nasabing sakit.
Ayon pa kay Carpio,12 sa tao ng korte ang nagpositibo at lima sa ito ay nasa iba’t ibang opisina ng Municipal Trial Court in cities, isa sa RTC branch 9, isa sa RTC branch 10, dalawa sa RTC branch 13 at tatlo mula regional state prosecution office.—sa panulat ni Rex Espiritu