Nilinaw ng pamahalaan na hindi ‘exempted’ ang Davao City sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) .
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, ang Davao Public Transport Modernization Project o Davao Bus ay expanded version ng EDSA Busway kung saan mayroon itong sariling bus lanes, depots at terminals.
Ginawa ng DOTr ang paglilinaw matapos mapaulat na hindi maaapektuhan ng modernisasyon ang mga jeepney sa lungsod.
Pinondohan ng Asian Development Bank o ADB, ang Davao Bus project ay mayroong anim na ruta na kokonekta sa Davao City, Panabo City, at Davao del Norte.