Hindi patitinag ang mga Dabawenyo sa kabila ng nangyaring pagpapasabog sa Roxas Night market nitong biyernes ng gabi
Ito ang tiniyak ni Davao City Mayor on leave Inday Sarah Duterte Carpio sa harap ng kaniyang nasasakupan sa isinagawang memorial kahapon
Kasunod nito, nanawagan ang alkalde sa kaniyang mga kababayan na magkaisa at magtulungan upang ipakita sa mga terorista na hindi sila natatakot sa halip, tuloy pa rin ang buhay para sa kanila
Gayunman, humingi rin ng paumanhin si Mayor Duterte – Carpio sa nangyari sabay pag-aabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pangyayari
“number 1 pakiusap ko lang sa public is to stop the dis information, marami na akong nareceive na repost na tinatawag nilang mga repost na text unverified and unconfirmed ang source ng text sundan lang nila kung ano announcement ng Davao City police office at ng City government nandyan naman ang lahat ung official sources and then to keep calm and collected, if possible sa kanila to avoid target areas na lang and to report to us any incident, any information na nakita nila kahit insignificance sa kanila ireport na lang nila sa amin kami na bahala mag process nun”. ang pahayag ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte – Carpio sa panayam ng DWIZ.
By: Jaymark Dagala