Irerekomenda ng lokal na pamahalaan ng Davao City sa IATF na mailagay ang lugar sa alert level 2.
Sinabi ni COVID-19 task force spokesperson Dr. Michelle Schlosser na ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Paliwanag pa ni Schlosser, kung mababa ang alert level system ay mas maraming economic activities ang maisasagawa sa lugar.
Samantala, dahil na rin sa pagbaba ng COVID-19 cases sa buong bansa ay nagpatupad na rin ang lokal na pamahalaan ng adjustments sa kanilang health protocols.
Sa ngayon ay ipinatutupad ang alert level 3 sa Davao City na tatagal hanggang sa November 14.—mula sa panulat ni Hya Ludivico