Nasa ika-walong pwesto na ngayon ang Davao City sa listahan ng ‘Most Congested City’ sa buong mundo.
Batay sa 2024 Tomtom Traffic Index, umaabot ng halos 33 minuto ang travel time kada 10 kilometro sa nasabing lungsod.
Naitala rin ng Davao City ang 495 na congestion level.
Nasa ika-14 na pwesto naman ang Maynila, na may travel time na 32 minuto kada 10 kilometro.
Ginawa ang assessment sa mga lungsod sa 62 mga bansa batay sa daloy ng trapiko, travel time, at oras na nakokonsumo ng mga commuter dahil sa traffic.