Hindi na pinapayagan ng Davao City COVID-19 task force ang home isolation sa mga pasyenteng may mild symptoms o asymptomatic.
Batay sa inilabas na pahayag ng City Information Office, sinabi ni Dr. Michelle Schlloser, tagapagsalita ng Davao City COVID-19 task force, na hindi na isasailalim sa home isolation ang mga pasyente at sa halip ay ipapasok na ang mga ito sa temporary treatment and monitoring facility.
Mababatid na noong Setyembre ay pinahintulutan ng Davao City COVID-19 task force ang home isolation sa COVID-19 patients upang lumuwag ang mga pasilidad sa lungsod at tumulong na unahin ang mga pasyenteng may malubhang kaso.
Aniya, sa ngayon kasi ay mababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar at sapat ang bilang ng COVID-19 beds.—sa panulat ni Hya Ludivico