Nagpasalamat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga tumanggap sa Unity Movement kasabay ng kanyang pangunguna sa partial at unofficial count sa vice presidential race.
Ayon kay Duterte-Carpio, ang Uniteam ang magsisilbing simbolo ng katapangan at pagkakaisa ng mga Filipino.
Pinasalamatan din ng presidential daughter ang mga naniwala at nagtiwala sa kanyang desisyong tumakbo sa pagka-bise presidente at running mate ni dating senador Bongbong Marcos, na nangunguna naman sa presidential race.
Patuloy anya nilang babantayan ang mga boto hanggang sa proklamasyon.
Samantala, nanawagan ang alkalde sa publiko na magpa-booster na laban sa COVID-19.