Hindi rin natibag ang running mate ni dating senador Bongbong Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa vice presidential survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Duterte-Carpio ng 55% rating sa April 16 to 21 Pulse Asia Survey kumpara sa 54% noong March survey.
Pangalawa pa rin si Senate President Vicente Sotto III, 18% na sinundan ng pamangkin niyang si Francis “Kiko” Pangilinan, 16%.
Pang-apat naman si Dr. Willie Ong, na mayroong 3%, Manny Lopez, 1% makaraang maungusan si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.
Nasa 2,400 ang respondents sa Pulse Asia Survey na pawang edad 18 pataas at rehistradong botante.