Pormal nang nanumpa si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), kagabi.
Ito’y matapos kumalas sa partidong Hugpong Pagbabago (HMP).
Ginawa ni Inday Sara ang paglipat sa nasabing partido sa gitna na rin ng maraming espekulasyon na tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa bansa.
Nanumpa si Mayor Duterte sa harap nila Lakas-CMD President at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Senator “Bong” Revilla Jr.
Sinabi ni Romualdez na natutuwa ang mga miyembro at opisyal ng partido kung saan pinili ng presidential daughter ang partidong Lakas-CMD.
Aniya, matagal na nilang nililigawa si Inday sara para sumali sa kanilang partido dahil bilib sila sa kanyang kakayahan bilang leader sa Davao.
Ang naturang panunumpa ni Mayor Duterte bilang bagong myembro ng Lakas-CMD ay ginawa sa parehong venue ng kasal ng anak ni Revilla na si Gianna kung saan ninang ito sa nasabing okasyon.