Kakandidato sa 2022 presidential election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ayon kay Mayor Sara ay kung susuportahan siya ng oposisyon at tutulong ito para manalo siya sa eleksyon.
Binigyang diin ng presidential daughter na hindi siya magagawa ng maayos ang kanyang trabaho kung hindi magkakaisa ang lahat dahil anim na taon lamang ang mandato ng isang pangulo para pangasiwaan ang bansa.
Dapat aniyang sanib puwersa ang lahat para maiahon ang bansa sa kahirapan.
Kasabay nito nagpasalamat si Mayor Sara sa mga nasa likod ng run sara run activities kahapon, Sabado at naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang mga ito subalit umaapela siya sa mga ito na payagan siyang tumakbo sa 2034 presidential elections dahil sa mga panahong ito aniya niya nararamdamang mayruong mai-aambag sa bansa.
Una na ring kumalat sa Banawe sa Quezon City ng mga kalendaryo na humihimok kay Mayor Sara na tumakbo sa 2022 presidential elections.