Walang Duterte-Duterte tandem sa halalan 2022.
Ito ang binigyang diin ni Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio matapos hikayatin ng kanyang mga ka-partido na ikonsidera ang pagtakbo bilang Presidente sa susunod na halalan.
Sinabi ni Inday, una na nitong napagdesisyunan na hindi siya tatakbo noong Enero ngunit binigyan ito ng Hugpong ng Pagbabago Governors (HPG) na pag-isipan ang desisyon hanggang sa susunod na buwan.
Paliwanag pa ni Inday na kinausap na ito ni President Rodrigo Duterte kaugnay sa mga rason kung bakit ayaw siya nitong patakbuhin sa pagkapangulo sa halalan 2022.
Bukod dito, marami aniyang kaalyado nila ang umaasa na tatakbo si Pangulong Duterte sa pagkabise-presidente ngunit walang sinabi ang Pangulo ukol dito.
Nauna nang sinabi ng Pangulong Duterte na kinausap at binalaan na nito si Inday na huwag nang tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa 2022 dahil wala rin itong maitutulong at hindi madali ang mga kakaharaping problema.