Hindi kami naging magkaibigan kahit kailan.
Iginiit ito ni Davao City Mayor Sara Duterte patungkol kay House Speaker Pantaleon Alvarez matapos silang magkaroon ng iringan.
Nag ugat ang iringan sa pahayag ni Alvarez na maituturing nang miyembro ng oposisyon ang alkalde dahil sa pagtatayo nito ng political party na HNP o Hugpong ng Pagbabago.
Sinabi ni Mayor Duterte na maraming kalokohan si Alvarez na dapat ipaliwanag sa publiko.
Binalaan din ng alkalde si Alvarez na huwag makikialam sa lokal na pulitika sa Davao City.