Sumasailalim na sa voluntary home quarantine si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay matapos makasalamuha ni Mayor Sara si Senador Sherwin Gatchalian sa isang lunch meeting matapos naman makasalamuha ng senador ang isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
UPDATE: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sasailalim sa voluntary monitored home quarantine dahil sa banta ng COVID-19. pic.twitter.com/isDtaz6WcR
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 12, 2020
Sinabi ng alkalde na nag-sign up na siya bilang person under monitoring sa Davao City Health Office gayundin ang isang empleyado niya sa kaniyang bahay na may sakit.
Bagamat walang flu like symptoms, nagpasya na si Mayor Sara na mag-self quarantine para matiyak na mapoprotektahan ang iba.
Si Mayor Sara ay nakaconfine sa isang isolated room sa kaniyang bahay subalit patuloy pa rin namang gagampanan ang kaniyang trabaho sa pamamagitan ng email, messaging, video telecom o text o tawag sa kaniyang telepono.