Muling nakaranas ng matinding pagbaha ang malaking bahagi ng lungsod ng Davao dahilan para maapektuhan ang daan-daang mga pamilya.
Ayon sa hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Office (OCDRRMO) na si Alfredo Baluran, umabot sa halos sampung mga barangay ang naapektuhan mula sa pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Nabatid na nasa critical level na ang lugar dahil sa umapaw na tubig sa halos anim na sapa palabas ng Davao river.
Sa ngayon, tumigil na ang malalakas na pagbuhos ng ulan at nakakaranas na ng mainit na panahon ang lungsod pero nanatili pa ring lubog sa tubig baha ang naturang mga barangay.—sa panulat ni Angelica Doctolero