Magbibigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Davao City sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tisoy.
Sa inilabas na pahayag ng Local Government Unit (LGU) ng naturang lungsod, nasa P7.8-M ang kabuuang halaga na kanilang ibibigay.
Ayon naman kay Davao City Sara Duterte, manggagaling sa city reduction risk management funds ang pondong pagkukuhanan nito.
Magugunitang noong unang linggo ng Disyembre ay tumama ang bagyong Tisoy sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas.