Naghigpit pa lalo ng ipinatutupad na health protocols ang Davao City matapos isailalim muli sa general community quarantine kasunod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Naglagay na ng quarantine control points bilang bahagi ng pinaigting na pagbabantay ng mga otoridad.
Dito hinahanapan ng food at medicine pass ang mga sasakyang dadaan mapa-pribado man o pampubliko.
Ngunit dahil din dito ay nakararanas na rin ng trapiko sa mga lugar sa lungsod.
Umabot na sa 5,994 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Davao City.
Ayon sa Davao City Health Office, maituturing na second wave ang nangyari sa Davao simula kalagitnaan ng Oktubre dahil sa local transmission.