Hinigpitan pa ng mga awtoridad sa Davao City ang ipinatutupad nitong seguridad sa checkpoints kasunod ng naganap na pagsabog sa Sulu.
Alinsunod sa mahigpit na seguridad, dapat nang magtanggal ng facemask ang mga byaherong may faceshield na daraan sa checkpoints para matiyak ng mga awtoridad na walang makakapasok na miyembro ng mga teroristang grupo na maaaring manggulo sa lungsod.
Habang sasailalim naman sa face recognition ang mga byaherong walang faceshield.
Sa kabila nito, ang mga kababaihang daraan sa checkpoints, ay papapasukin sa isang cubicle para masuri ng kababaihang miyembro ng Task Force Davao.
Samantala, nanawagan naman ang Task Force Davao ng suporta at pag-unawa sa ginagawang paghihigpit, ito‘y anila para sa kaligtasan ng bawat isa sa lungsod ng davao.