Naka-lockdown ang Davao City matapos ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao.
Ipinabatid ito ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio kayat ang kanilang lungsod ay nasa ilalim ng red alert at mahigpit na inspeksyon ang ipinatutupad sa buong lungsod.
Ayon kay Carpio, mas mabuting huwag na lamang mag-biyahe patungong Davao City kung hindi rin naman kailangan dahil tiyak aniyang kakain ng malaking oras ang mga ipinuwesto nilang checkpoints sa lungsod.
Pinayuhan ni Carpio ang mga residente na planuhing mabuti ang mga araw-araw na aktibidad at manatili na lamang sa kanilang mga bahay kung walang importanteng lalakarin.
Binigyang diin ni Carpio na mas mahigpit ang seguridad na pinaiiral nila sa Davao City lalo na’t ito ang hometown ng Pangulo ng bansa.
Kasabay nito, sinabi ng presidential daughter na sang-ayon siya sa deklarasyon ng Martial Law dahil sa problema ng terorismo sa Mindanao.
By Judith Larino
Davao naka-lockdown kasunod ng Martial Law sa Mindanao was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882