Nakaalerto na ang emergency response units ng Davao City bilang paghahanda sa kapapasok pa lamang na bagyong Basyang.
Posible kasing magdulot ng flashflood sa lungsod bunsod ng dalang pag-uulan ng naturang bagyo sa hilaga at silangang bahagi ng Mindanao na dadaloy sa Davao River.
Tiniyak ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office na nakahanda na ang lahat ng kanilang mga tauhan para sa pagresponde sa mga posibleng bahaing lugar.
Samantala, nagbigay naman ng babala ang PAGASA na hindi ligtas mamalaot sa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na alon dala ng bagyong Basyang.
—-