Limang (5) oras nang brownout ang nararanasan ng mga taga-Davao City.
Ayon sa Davao Light and Power Company, ito ay bunsod ng patuloy na pagtapyas sa power supply na galing sa Mindanao Grid.
Inamin ng Davao Light na ang Davao City ang may pinakamahabang power outage ngayon sa Mindanao bunsod ng malaking demand nito sa kuryente.
Lumalabas na apat na oras na nawawalan ng kuryente sa Davao City tuwing umaga at 1 oras naman sa gabi.
Inaasahan namang tatagal ang 5 oras na brownout kada araw sa Davao City hanggang sa Abril 21.
By Ralph Obina