Tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa Roxas Night Market sa Davao City nitong biyernes
Personal na binisita ng Pangulo ang mga nasugatan gayundin ang mga nasawing biktima ng pagsabog sabay pag-abot ng pakikiramay sa pamilya ng mga iyon
Magugunitang inihayag ng Pangulong Duterte ang pagsasailalim sa State of Lawless Violence sa bansa kung saan, pinakikilos na rin maging ang militar upang umagapay sa mga pulis
“I might just declare a state of lawless violence in this time, it is not martial law but I am inviting now the Armed Forces of the Philippines, the military, and the police, to run the country in accordance with my specification, state of lawless violence, its not martial law, no such thing until there is a threat against the people”. tinig ni Pangulong Duterte
Kasunod nito, muling tiniyak ng Pangulo na nananatiling ligtas ang Davao City sa kabila ng pangyayari
Katunayan, binuksan pa rin kagabi ang Roxas Night Market kung saan nangyari ang pagsabog upang ipakita na tuloy pa rin ang buhay para sa mga Dabawenyo at hindi patitinag sa mga naghahasik ng takot at karahasan
“we will investigate and in the fullness of our time will solve the problem, Davao is safe, there is no criminality except terrorism which I have been harping all along that the next horizon, I remember giving it like 3 to 7 years and we will have a narco-politics and of course we have to confront the ugly threat of terrorism” .tinig ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala