Patuloy na nangunguna ang Davao City sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na naitalala araw-araw.
Gayunman, ayon sa latest monitoring report na inilabas ng OCTA research group, nakapagtala ang syudad ng bahagyang pagbaba sa kanilang daily average na 225 COVID-19 cases noong Hulyo 11 hanggang Hulyo 17, kumpara sa 235 noong nakaraang linggo.
Nakapagtala rin ang Davao City ng 12.38 new daily cases sa kada 100,000 populasyon.
Ayon kay OCTA research fellow Guido David, hindi na dapat hintayin pang makapasok sa lugar ang Delta variant.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico