Bumandera ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa nakalipas na magdamag.
Batay sa datos ng DOH, 19 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod na sinundan naman ng Rizal, Quezon City, Santiago City sa Isabela at Bulacan.
Dahil dito, umabot na sa 447,329 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ito ng 1,504 na bagong kaso.
Mula sa nasabing bilang ayon sa DOH, aabot sa mahigit 29,000 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 ngayon sa bansa.
Nasa 409,329 ang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ito ng 273.