Sugatan ang dalawa (2) katao sa pagtama ng magnitude 4.6 na lindol sa Davao City.
Kinilala ang mga biktima na sina Maria Teresa Pusta, 43 taong gulang residente ng Bangkal Davao City at Fe Yu, 66 taong gulang, retired teacher, at residente ng Kubkub, Buhangin Davao City na tinamaan ng natumbang waiting shed dahil sa pagyanig.
Agad namang rumesponde ang Davao Central 911 Paramedics sa mga biktima na kasalukuyan nang ginagamot sa ospital.
Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol 9 na kilometro hilagang kanluran ng lungsod ng Davao.
Ayon sa ilang residente, sampung (10) segundo silang mistulang dinuyan ng paglindol.
Samantala, wala namang inaasahang aftershocks ang PHIVOLCS sa naturang pagyanig.
By AR | with report from Jandi Esteban (Home Radio News FM Davao)