Naka-double red alert ngayon ang buong puwersa ng Davao City Police.
Ito’y matapos makatanggap ng beripikadong banta ng terorismo sa lungsod.
Ayon kay Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Davao City Police Office, well-verified ang nasabing threat kaya kaagad na ipinagutos ng Philippine National Police ang deployment ng mga pulis sa mga matataong lugar sa buong Davao City.
Bukod sa mga pamilihan, nakapuwesto na rin pati ang mga naka-sibilyang pulis sa mga simbahan, public transport terminals, airport at ilan pang mga matataong lugar.
Katuwang PNP sa pangmo-monitor sa lungsod ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.
By: Meann Tanbio