Posibleng bumalik sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City.
Ito ang inihayag ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging on Infectious Diseases.
Ayon sa alkalde, susubukan niyang umapela sa IATF na kung maaaring manatali na lamang sa modified community quarantine (MGCQ) ang lungsod.
Ngunit sakali aniyang hindi ito mapahintulutan ng IATF ay mainam na maging handa sila para sa GCQ.
Sinabi ng alkalde na ganito talaga ang mangyayari kapag nananatiling matitigas ang ulo ng mga tao hindi sumusunod sa mga health protocol.