Hindi tinanggap ng mamamahayag na pinagkamalan at inaresto sa airport ang paghingi ng paumanhin ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Fidelina Margarita Valle, isang kolumnista na nakabase sa Davao City, itutuloy nya ang pagsasampa ng kaso laban sa PNP-CIDG sa Misamis Oriental.
Binigyang diin ni Valle na hindi nya malilimutan ang kanyang karanasan nang 12 oras syang madetini sa Pagadian City Police Station.
Si Valle ay inaresto sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental dahil sa mga kasong arson, multiple murder at frustrated murder at iba pa.
Kalaunan ay pinalaya rin ito matapos mapagtanto ng mga pulis na hindi pala si Valle ang hinahanap nilang suspek.