No show sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee si Davao City Councilor ‘Small’ Abellera, isa sa mga sinasabing miyembro ng Davao Group na nag-ooperate sa bureau of customs.
Gayunman, nagpadala ng kanyang affidavit si Abellera kung saan itinanggi niya ang alegasyong kasama siya sa Davao Group gayundin ang anumang koneksyon sa mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit sa bansa.
Gayunman, nagpahayag ng kahandaan si Abellera na humarap sa susunod na pagdinig ng komite.
Hindi rin nakarating ang sinasabing bagman ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na si Chris Bulastig.
Sa ipinadala niyang liham at affidavit sa Senado, sinabi ni Bulastig na may sakit ang ina kaya’t hindi siya nakadalo sa pagdinig at itinanggi nito ang alegasyong siya ang bagman ni Faeldon.
Samantala, no show rin sa pagdinig si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon at ang kanyang chief of staff na si Mandy Anderson.
Dahil dito, ipinag-utos na ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite ang pagpapadala sa mga ito ng subpoena.
By Len Aguirre / (Ulat ni Cely Bueno Patrol 19)