Kasado na ang Davao Defense System para sa gaganaping inagurasyon ni incoming Vice President Sara “Inday” Duterte.
Ayon kay Davao City Police Major Maria Teresita Gaspan, bahagi ito ng kanilang paghahanda para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa mismong araw ng panunumpa ni Vice President Sara Duterte.
Isang tactical at operational strategy ani Gaspan ang Davao Defense System na magpapalakas at magpapaigting sa mga inilatag nilang checkpoint sa mga tri-borders ng Davao City.
Kailangan aniyang inspeksyunin ang lahat ng mga sasakyan at pasahero na papasok at palabas syudad.
Una nang sinabi ni Gaspan, na aabot sa 2K police personnel ang kanilang ipakakalat sa Davao sa mismong araw ng oathtaking ni VP Sara “Inday” Duterte. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)