Pinalagan ni Davao del Norte 2nd Antonio “tonyboy” Floirendo ang biglaang pagpapatalsik sa kanya sa ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.
Si Floreindo ang isa sa pinaka-malaking campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 9, 2016 National Elections.
Itinanggi ng Kongresista na ang palabag sa ilang panuntutunan ang naging batayan ng PDP-Laban upang sipain siya sa partido.
Kabilang sa mga akusasyon laban kay Floirendo ang kawalan umano nito ng katapatan sa PDP at mga leader nito, pag-o-organisa at paglahok sa isang hindi otorisdong party convention na nag-uudyok ng pagkakawatak.
Gayunman, iginiit ng mambabatas na hindi man lamang pinakinggan ng PDP-Laban ang kanyang panig.
Magugunitang nagkaroon ng hidwaan sina Floirendo at house Speaker Pantaleon Alvarez noong isang taon na sinundan ng imbestigasyon laban kay Floirendo dahil umano sa interes nito sa joint venture agreement ng gobyerno at Banana firm ng kanyang pamilya na Tagum Agricultural Development Corporation.