Kinasuhan ng graft sa Ombudsman ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Davao del Norte Rep. Antonio Florendo.
Kaugnay ito sa maanomalyang joint venture agreement na pinasok ni Florendo sa Tagum Agricultural Development Company sa BUCOR o Bureau of Corrections.
Batay sa reklamong inihain ni Alvarez, ginawang plantasyon ng saging ang lupang inupahan ng TADECO sa BUCOR na bahagi ng Davao Penal Colony.
Sinasabing pagmamay-ari ng pamilya Florendo ang TADECO na kilala rin bilang pinakamalaking donor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampaniya nito nuong 2016 elections.
Sinasabing na-renew ang kontrata ng TADECO sa BUCOR nuong 2003 sa ilalim ng ikalawang termino ni Florendo bilang kinatawan ng Davao del Norte.
Giit ni Alvarez sa kaniyang reklamo, mahigpit na pinagbabawal ng batas ang sinumang opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng interes sa anumang kontrata na pinapasok sa gubyerno.
By: Jaymark Dagala