Pumanaw na si Davao Del Sur Governor Douglas “Dodo” Cagas dahil sa kumplikasyon sa COVID-19.
Ito ang inihayag sa FACEBOOK post ng pamangkin ng gobernador na si Ria Fe Cagas Fernandez kaninang umaga.
Tatlong dekada nang nasa pulitika si Cagas nagsimula siya bilang assemblyman nuong 1980s hanggang sa naging kongresista nuong 1998 hanggang 2007.
Nagsilbi namang gobernador si Cagas sa probinsya mula 2007 hanggang 2013, 2016 hanggang 2019 at 2019 hanggang sa kasalukuyan.