Muling niyanig ng malakas na lindol ang Davao Del Sur pasado alas-12:22 kaninang tanghali.
Ayon sa Phivolcs, rumehistro sa magnitude 6.1 ang lakas ng pagyanig kung saan natukoy ang epicenter nito sa layong anim na kilometro timog ng bayan ng Magsaysay.
May lalim itong 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Batay sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang intensity 5 sa Kidapawan City.
Inaasahang magdudulot ng pinsala sa mga ari-arian at mga aftershocks ang naturang pagyanig.
Sa katunayan, ilang minuto pa lamang nakalilipas ay nakapagtala na agad ng magkakasunod na aftershocks ang Phivolcs.
Unang naramdaman ang magnitude 3 .5 na aftershock pasado alas-12:30 ng hapon, sinundan ng magnitude 2.5 pasado alas-12 34 at magnitude 2.1 pagsapit ng alas-12:41 ng hapon.