Niyanig ng 2 mahinang lindol ang Davao del Sur at Sultan Kudarat, kahapon bisperas ng bagong taon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang sentro ng magnitude 3.2 na lindol sa layong 6 na kilometro timog kanluran ng Sulop, Davao del Sur, pasado 4:19 ng hapon kahapon, December 31.
May lalim itong 7 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naramdaman naman ang magnitude 3.2 na lindol sa bahagi ng Columbio Sultan Kudarat pasado 5:25 ng hapon kahapon, December 31.
Kapwa naman walang inaasahang aftershocks at tsunami ang dalawang naitalang lindol.