Tinawag na mini-dictator ng CPP o Communist Party of the Philippines si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos na isailalim nito sa hold and secure status ang lungsod ng Davao.
Ayon sa CPP, sinamantala ni Inday Sara ang ipinatupad na Martial Law ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte para magpatupad ng anti-democratic measures tulad ng paglilimita sa kalayaan ng mga Davaoeño.
Tulad aniya ng kanyang ama ay pinaiiwas niya ang kanyang mga kababayan sa mga pagkilos na maaaring humamon sa kanyang awtoridad at kapangyarihan tulad ng pagsasagawa ng kilos protesta.
Una nang nagpatupad ng lockdown ang syudad kasabay ang pagpapatupad ng ilang restriction tulad ng pagpasok at paglabas sa syudad, palagiang pagdadala ng ID, pag iwas sa mga mataong lugar at iba pa.
By Rianne Briones
Davao Mayor Inday Sara ‘mini-dictator’ ayon sa CPP was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882